Ang Aking Mundo
Sabado, Abril 18, 2015
Balisa
As a matter of fact, magulo ang isipan ko ngayon. Ang daming tumatakbo. Ang daming nangyayari sa loob ng ulo ko. Natanong ko na nga sarili kung hindi ba napoapagod ang mga neurons na nasa loob kasi masyadong maraming iniisp ang aking utak. Hanggat maari ayoko ng mag-isip. Ayoko ng mag-analyze. Pero sa kagustuhan kong alamin ang kasagutan sa mga tanong ko, parang ayoko pang tumigil. Gusto kong makita at mahanap ang mga kasagutan sa mga tanong na matagal ng gumugulo at nagpapabalisa sa akin. Madami na akong blogs, inspirational quotes, books, videos sa youtube na binasa at pinanuod upang gumaan ang aking sarili. Oo, gumaan naman ako kahit papaano pero after ilang oras, ito na naman ako nag-iisip at nagmukmok. Ayokong pumikit. Kasi gusto kong makita lahat ng mga pangyayari na nangyayari sa mundo. ayokong may ma-mamiss. Gusto kong maging busy. Gusto ko maging aligaga. gusto kong madaming ginagawa. Yung tipong di ko namamalayan ang oras na dumadaan. Yong wala akong time na isipin ang mga bagay-bagay na nagpapagulo lang sakin. Gusto ko ng maingay na kapaligiran ngayon - yung puno ng tawanan at usapan, yung lahat nagsisigawan, yung parang may party, yung parang nasa Feista lang. Gusto ko ng maraming tao. Ayoko na mag-isa - dahil sa 'king pag-iisa ang dami lang tumatakbo at lalong nagiging magulo ang aking mundo.
Kaya eto ako ngayon, sa gitna ng kalungkutan at pighati na aking nararamdaman ay nabuo ko ang blogspot na ito. Para kahit papaano, ako ay medyo gumaan. Pansamantala ito ang aking kausap - ang monitor at ang mga keyboard. Dito ko malayang masasabi at masusulat kung ano ang tunay kong nararamadaman - sa pamilya, sa trabaho, sa kaibigan, sa mga hindi ko na kaibigan, sa pananampalataya, sa usapang puso, sa usapang kabit, pang-aagaw, pangta-traidor, sa pangloloko, panggagamit at lahat-lahat. Dito ay malaya ako. Dahil ito ang aking mundo....... #Balisa #Preoccupied
Mag-subscribe sa:
Mga Komento (Atom)